1. Masama pala ang isang linggong walang pasok dahil bukod sa wala kang magawa, mauubos pa ang pera at oras mo sa kakatext at kakakain. Ang masama pa hindi ibibigay ang allowance mo
2. Hindi magandang makipag-usap sa lasing o sa inaantok na tao kasi bukod sa natutulog na lang sila bigla, hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi nila. Mabilis din silang magalit o kaya makalimot, kaya parang wala ka ring kausap
3. Masarap pala ang milo at kape kapag pinaghalo. Pati iyong strawberry juice at sprite
4. Magandang pampalipas ng oras ang paghiga at pagtitig sa kisame. Kasi nagsimula akong humiga ng 9 ng umaga, nag-iisip lang ako ng kung anu-ano tapos paglingat ko sa oras 2 na ng hapon.
5. Mas magandang pampalipas oras ang pagtulog sa hapon. Kaso pagdating ng gabi para ka ng zombie kasi hindi ka makakatulog
6. Masama pala ang mag-unli calls dahil bukod sa mahirap mag-register, mapupuyat at masisigawan ka lang ng kausap mo
7. Masamang maglagay ng pangalan sa blog.
8. Hindi lahat ng nakakakilala sa iyo, naiintindihan ka
9. Mas maiintindihan ka ng bago mong kakilala.
10. Masamang magalit ng walang dahilan pero mas masamang magalit kapag alam mong ang bagay na kinaiinisan mo ay ang bagay rin na hindi mo kayang mabuhay kapag nawala
11. Naiisip mo ang isang taong dahil ayaw mo lang mag-isip ng iba. At hindi iyon dahil sa naiisip ka rin niya o dahil sa may chuva ka sa kanya.
12. Nakakatamad palang mag-isip ng maikukwento kaya hindi na ako mamimilit ng tao para magkwento lang sa akin ng kung anu-ano
13. Lahat ng taong kayang magsinungaling sa iyo ay may kakayanan ding saktan ka.
14. Nalaman ko na mas masarap pala si Derek kumpara kay Dingdong (base ito sa lasa ng corned tuna na iniindorso nila na siya namang kinakain ko sa buong linggo). HAHAHA
15. Naiisip ko kung kaya kong gawin iyong plano ko na _________________________. SANA.
16. Namiss ko ang amoy ng UP. Namiss ko sina LOJI at BIANCA (oooopssss. BAWAL pala pangalan =p).
17. Gusto kong manuod ng sine. GUSTO mo sumama?
18. Maganda ang librong "The Curious Incident of the Dog in the Nighttime" ni Mark Haddon. Sana may magregalo sa akin ng "A Spot of Bother" (sequel po iyon ng "The Curious
19. Malapit na pala magpasko. Pero hindi ako naeexcite. Sana may masayang mangyari bago dumating un. SANA
20. Dahil pasko na, magpapakabait na ako. PRAMIS. Hindi na ko manloloko ng ibang tao. Gigising na ako ng maaga para hindi na ko malate sa eng10. Makikinig na ako kapag bio1. Papasok na ako palagi sa mp10. HAHAHA. Matatapos na pala iyong sem wala na ring kwenta. HINDI NA LANG AKO MAGPAPAKABAIT. >:)